Importanteng Saknong at Tayutay
Kabanata 1: Importanteng Saknong
Saknong 6 At sa tanang nariritong nalilimping maginoo kahilinga’y dinggin ninyo buhay na aawitin ko.
Diyan nagsisimula ang pag-kwento ng manunulat.
Kabanata 1: Tayutay
Saknong 1 O, Birheng kaibig-ibig, Ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip nang sa layo’y di malihis.
Ito ay isang panawagan dahil kinakausap ng manunulat ang Birheng Maria pero hindi niya siya kaharap, di niya nakikita.
Jeron Miranda
________________________________________________________________________
Kabanata 2: Importanteng Saknong at Tayutay
Saknong 41 “May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, pag narinig mong kumanta sa sakit ay giginhawa.”
Dito ipinakikila satin ang Ibong Adarna. Ito ay isang pagsasatao dahil sinabi dito na kumakanta ang Ibong Adarna pero hindi kumakanta ang mga ibon, sila lamang ay nag ch-chirp.
Jeron Miranda
________________________________________________________________________________
Kabanata 3: Importanteng Saknong
Saknong 79 Sa masamang kapalaran si Don Pedro’y napatakan biglang naging batong-buhay sa punong kinasandalan.
Sinasabi dito kung ano ang kaya gawin ng Adarna at ang kapangyarihan nito.
Kabanata 3: Tayutay
Saknong 74 Liwanag sa punungkahoy nag-aalimpuyong apoy, mawisikang daho’t usbong nangagbiting mga parol.
Ito ay isang pagwawangis dahil inihahambing ang daho’t umusbong sa mga parol ng tiyak at hindi gumamit ng salitang para sa pagtutulad.
Jeron Miranda
______________________________________________________________________________
Kabanata 4: Importanteng Saknong at Tayutay
Saknong 9 Sa tabi ng punong ito may napunang isang bato, sa kristal ay nakikitalo’t sa mata ay tumutukso
Importante ito dahil dito niya nakita ang bato na ang kapatid niya palang si Don Pedro.
Ito ay isang pagsasatao dahil sinabi dito na ang batong nkita ni Don Juan sa mata ay “tumutukso” ibig sabihin ng tumutukso ay nanglalait. Hindi kaya ng bato manglait
Jeron Miranda
_______________________________________________________________________________
Kabanata 5: Importanteng Saknong
Saknong 111
Ibig niyang ipahanap
ngunit nag-aalapaap
utusan ang bunsong anak
sa takot na mapahamak.
Importante ito dahil dito ipinapakita kung gaano ka “kiling” (biased) si Haring Fernando dahil yung dalawang anak ay pinahanap niya pero ang bunso ay di kaya paalisin. Dito rin ipinapakita na mahal na mahal talaga ni Haring Fernando si Don Juan.
Kabanata 5: Tayutay
Saknong 136
Ako’y iyong kahabagan,
Birheng kalinis-linisan,
nang akin ding matagalan
itong matarik na daan
Ito ay panawagan dahil kausap niya ang birheng maria pero hindi niya ito kaharap.
Jeron Miranda
___________________________________________________________________________________________
Kabanata 6: Importanteng Saknong
Saknong 173
Ngunit higit sa lahat na
sa Prinsipeng pagtataka,
tinapay na bigay niya
ano’t doon ay nakita?
Sinasabi dito na siguro iisang tao lang ang matandang leproso at ermitanyo. Dahil sa pagdadasal niya sa birheng maria, ito ang tulong na nagawa ng birheng maria para sa kanya.
Kabanata 6: Tayutay
Saknong 164
Natambad sa kanyang mata
ang tahanan ng Adarna,
punong pagkaganda-ganda
sa mundo’y siya nang una
Ito ay isang pamamalabis dahil sabi dito na ang Tahana ng Adarna sa mundo’y siya nang una, ang sinasabi nito ay sobrang ganda talaga ang tahanan ng Adarna.
Jeron Miranda
_______________________________________________________________________________________________________
Kabanata 7: Importanteng Saknong
Saknong 205-206
Natutukso nang matulog
si Don Juang nanunubok,
ang labaha ay dinukot
at ang palad ay binusbos.
Lamang ngumiti sa balat
pinigaan pa ng dayap,
sa hapdi’y halos maiyak
nag-ibayo pa ang antak
Importante ito dahil dito ipinapakita ni Don Juan ang pagmamahal niya kay Haring Fernando, na gagawin niya ang kahit ano para mapagaling lang ang kanyang ama.
Kabanata 7: Tayutay
Saknong 202
Pagkalapag ay naghusay
ng kanyang buong katawan
ang pagkanta’y sinimulan,
tinig ay pinag-iinam.
Ito ay pagsasatao dahil sabi dito na kumanta ang Adarna pero sa totoo lang, hindi kumakanta ang ibon.
Jeron Miranda
_______________________________________________________________________________________________________
Kabanata 8: Importanteng Saknong
Saknong 234
Nagpahuli kay Don Jua’t
kay Don Diego umagapay,
ito’y kanyang binulungan
ng balak na kataksilan.
Importante ito dahil dito ipinapakita kung anong klaseng kapatid si Don Pedro, kahit na iniligtas ni Don Juan ang buhay niya, pagtataksil ang ibabayad niya.
Kabanata 8: Tayutay
Saknong 243
Datapwat sa dahilang
ang tao’y may kahinaan,
ayaw man sa kasamaa’y
nalihis sa kabutihan
Ito ay aporismo dahil nagtuturo ito ng life lesson, ang life lesson na ito ay “Lahat ng tao ay may kahinaan” kahit gaano ka kalakas physically, mahina ka mentally o emosyonally at kabaligtaran (vice versa)
Jeron Miranda
_______________________________________________________________________________________________________
Kabanata 9: Importanteng Saknong at Tayutay
Saknong 281-282
“O, Birheng Inang marilag,
tanggulan ng nasa hirap,
kahabagan di man dapat
ang aliping kapuspalad.
“Kung wala nang kapalarang
humaba pa yaring buhay,
loobin mo, Inang mahal,
ang ama ko ang mabuhay.
Importante ito dahil ipinapakita dito na saolid talaga ang pagmamahal ni Don Juan sa ama, solid rin ang tiwala niya sa Birheng Maria. Mabuting tao talaga si Don Juan!
Ito ay panawagan dahil hindi kaharap o nakikita ni Don Juan si Birheng Maria pero ito ay kausap niya.
Jeron Miranda
_______________________________________________________________________________________________________
Kabanata 10: Importanteng Saknong at Tayutay
Saknong 343-386
Umawit na ng matamis
kawili-wili ang tinig,
mga matang may pagibig
sa Monarka nakatitig.
HANGGANG
Nang matapos na ang awit
Hari’y tila nanaginip,
Nagbalikwas na sa banig
Parang hindi nagkasakit.
Importante ito dahil dito ay kinanta ng Adarna ang lahat ng nangyari nang mahuli siya ni Don Juan (kasama yung pagtataksil) Ito rin ang naging parang buod na kabanata 1-9. Dito nalaman ng hari ang lahat.
Ito ay pagsasatao dahil hindi nagsasalita/kumakanta ang mga ibon.
Importante rin ang
saknong 397
“Hindi ko mababatang
sa aki’y malayo sila,
kaya po ibigay mo na
ang patawad sa kanila.”
Grabe talaga si Don Juan, wala nang taong ganito. dito ipinapakita kung gaano kabait at kung gaano kamahal ni Don Juan ang mga kapatid, na kahit na siya’y tinaksil, nagawa parin niyang mapatawad sila Don Pedro at Don Diego.
Jeron Miranda
_________________________________________________________________
Kabanata 11: Importanteng Saknong
Saknong 413-418
dito nagbabanta ng masamang balak si Don Pedro kay Don Juan at gusto niya ipahamak siya dahil sa pagpahiya na ginawa niya sa kanya..
Jehu Sy
Kabanata 11: Tayutay
Saknong 431
Gaano ang panginginig
mga mata’y nanlilisik
Nang hawla’y di mamasid
Adarnang aliw ng dibdib.
Ang mga salitang may tayutay ay ang Aliw ng Dibdib ang tayutay ay pagmamalabis.
Miguel Tan
________________________________________________________________
Kabanata 12: Importanteng Saknong
Saknong 443-453
dito ipinapakita kung paano kaganda, tahimik at mapayapa ang Armenyang Kabundukan.
Jehu Sy
Kabanata 12: Tayutay
Saknong 448
Sa batisan yaong tubig pakinggan mo’umaawit,suso’t batong magkakapit
May suyuang matatamis.
Ang mga salitang may tayutay ay yaong tubig pakinggan mo’umaawit .
Ang tayutay ay Pagsasatao.
Miguel Tan
________________________________________________________________
Kabanata 13: Importanteng Saknong
Saknong 480-481
Dito sinasabi ang mga makikita mong hiwaga sa labas at sa kapiligiran ng balon.
Jehu Sy
Kabanata 13: Tayutay
Saknong 501
Patuloy ang paghuhgos si Don jua’y walang takot maging noon mang masapot ng dilim na parang kumot.
Ang mga salitng may tayutay ay Dilim na parang kumot ang tayutay ay Pagtutulad
________________________________________________________________
Kabanata 14: Importanteng Saknong
Saknong 515-519
Dito sinabi ni Don Juan kung paano niya kamahal si Donya Juana.
Jehu Sy
Kabanata 14: Tayutay
Saknong 513
Lalo siyang nangglilalas at ang puso ay nabihag nang tamaan na nag malas si Donya juanang marilag
Ang salitang may tayutay ay puso ay nabihag ang tayutay ay pagmamalabis
Miguel Tan
________________________________________________________________
Kabanata 15: Importanteng Saknong
Saknong 576-577
Sinabi ni don Juan kung paano niya kamahal si Donya Leonara.
Jehu Sy
Kabanata 15: Tayutay
Saknong 573
Sa gitna ng mga perlas talamanding namanaag si Leonorang pagkarilag, ang Prinsipe’y napakurap.
Ang salitang may tayutay ay Tala manding namanaag si leonorang pagkarilag ang tayutay ay Pagwawangis.
Miguel Tan
________________________________________________________________
Kabanata 16: Importanteng Saknong
Sakning 688-691
Ipinapakita dito ang mga nangyari sa panaginip ni Haring Fernando na nagpasakit sa kanya.
Jehu Sy
Kabanata 16: Tayutay
saknong 661
Panibugho at ang imbot
sa puso ay sumusunog
dibdb ay ibig pumuto
sa sama ng kanyang loob
itong saknong ay isang pagmamalabis dahil dahil nasusunog ang kanyang puso at pumutok ang kanyang dibdib dahil lang sa sama ng loob.
Andre Tan
__________________________________________________________________
Kabanata 17: Importanteng Saknong
Saknong 717-722
Dito hiniling ni Donya Leonara kay Haring Fernando na bigyan siya ng isang silid at diyan siya magpapanata ng pitong taon.
Jehu Sy
Kabanata 17: Tayutay
saknong 714-715
Amang makapangyarihan
puno nitong kaharian
ang iyo pong kalooban
siya aming igagalang
Kung ako po’y tatanungin
si Leonora na ang akin;
si Don Diego’y ikasal din
kay Donya Juanang butihin
ito ay isang panawagan dahil si Don Pedro ay nagdarasal sa panginoon
Andre Tan
__________________________________________________________________
Kabanata 18: Importanteng Saknong
Saknong 766-777
Ibong Adarna kung sino ang nagbukas ng kanyang hawla at pinakawalan siya. Binilin niya si Don Juan na limutin na si Leonara at pumunta sa Kaharian ng Reyno De Los Cristales at hanapin ang isang Maria Blanca.
Jehu Sy
Kabanata 18: Tayutay
saknong 741
Sa laki ng katuwaan
ang Lobo ay napilitan,
niyakap at pinagyamang
parang batang minamahal
ito ay isang pagtutulad dahil ihinahambing ang lobo at ang batang minamahal
Andre Tan
_________________________________________________________________
Kabanata 19: Importanteng Saknong
Saknong 800-808
nakasabi dito ang mga pagkain na ibinigay ng matanda kay Don Juan na nakatulong kay Don Juan.
Jehu Sy
Kabanata 19: Tayutay
saknong 827:
“Hesus na panginoon ko
sa paglalakad kong ito,
sandaang taon nang husto
bayang yaon ay, ewan ko!
ito ay isang panawagan dahil kinakausap ni don juan si hesus na hindi niya katapat.
Andre Tan
_________________________________________________________________
Kabanata 20: Importanteng Saknong
Saknong 833-834
Ipinapakita dito kung paano kamahal ni Donya Leonara si Don Juan.
Jehu Sy
Kabanata 20: Tayutay
Paalam na, O, Don Juan
si Leonora ay paalam,
kung talagang ikaw’y patay
magkita sa ibang buhay
ito ay isang panawagan dahil kinakausap ni leonora si don juan na wala sa harapan niya
Andre Tan
_________________________________________________________________
Kabanata 21
Importanteng Saknong:
Saknong 921
“Ermitanyong iniibig,” sagot ng ibong mabait, “isang lupain marikit, ang Reyno de los Cristales.
Importante ang saknong na ito dahil ipinapakita na alam ng Agila kung saan ang Reyno de los Cristales.
Tayutay:
Saknong 892
“O, Diyos na darakila ito’y isa Mong himala, sa dunong Mo’y sino kaya ang maaaring humula?
Ito’y panawagan dahil kinakausap ang Diyos na hindi nakikita at wala sa kanyang harap.
David Ongchoco
_________________________________________________________________
Kabanata 22
Importanteng Saknong at Tayutay:
Saknong 986
Sa isang batong makinis Nagsiupong magkaniig, kapwa puso’y umaawit ng ligaya sa pag-ibig
Importante ang saknong na ito dahil ipinapakita na nagmahalan ang dalawa pagkatapos nila mag-usap. Ito rin ay pagsasatao dahil binibigyan ang puso isang gawain na tao lamang ang nakakagawa. (hindi kaya umawit ang puso, ipinapakita lamang ng tayutay na ito kung gaano kasaya sila dahil sa pag-ibig)
David Ongchoco
__________________________________________________________________
Kabanata 23
Importanteng Saknong:
Saknong 1047-1054
Sa mga saknong na ito ipinakita kung gaano kalakas ang mahika ni Donya Maria. Dito niya tinupad ang lahat ng mga mahihirap at imposibleng utos ng kanyang ama. Ipinapakita rin kung gaano kalakas ang kanyang pag-ibig kay Don Juan sapagkat ginagawa niya ang lahat upang matupad ang utos ng hari at pumayag ang hari na ipakasal silang dalawa.
Tayutay:
Saknong 1014
“Bayan ninyo ay nasapit sa atas po ng pag-ibig pusong lumagi sa hapis ang hanap ay isang langit.
Ito ay pagsasatao dahil binibigyan ang puso ng katangian ng isang tao. Walang damdamin ang puso, ang tao ang may damdamin kaya hindi kaya ng puso lumagi sa hapis. Ipinapakita lamang nito na malungkot siya at naghahanap siya ng kasiyahan at pagmamahal.
David Ongchoco
_________________________________________________________________
Kabanata 24
Importanteng Saknong:
Saknong 1275-1279
Sa mga saknong na ito nagawa ni Don Juan ang huling hiling ng hari sa tulong ng payo ni Donya Maria. Kahit gumagamit na rin ng mahika ang hari, nagawa pa rin ni Don Juan patumbahin ang kabayo. Pinapakita talaga kung gaano ka lakas ang pagmamahal ni Don Juan at Donya Maria.
Tayutay:
Saknong 1071
Pinawalan na ngang lahat parang isdang pumupusag, Haring Selermo’y naghaygag ng ganitong bagong atas
Ito ay pagtutulad dahil pinaghahambing ang mga ita sa mga isdang pumupusag. Ibig sabihin nito ay parang ang saya nila ng pakawalan sila at lumangoy na patungo kung saan man.
David Ongchoco
__________________________________________________________________
Kabanata 25
Importanteng Saknong:
Saknong 1374
Kabataan, palibhasa
pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha.
Importante ang saknong na ito dahil ipinapakita kung gaano kalakas ang pag-ibig ng kabataan at mahirap ito pigilan. Nagagawa rin nito apektuhan ang iba at nagbibigay ng mabubuti at masasamang epekto.
Tayutay:
Saknong 1294
Ang umaga ay bumati kay Don Juang nagwawari, makailang pang sandali nagpasundo na ang hari.
Ito ay pagsasatao dahil binibigyan ang umaga ng katangian/gawain ng tao. Sinasabi lang nito na umaga na.
David Ongchoco
________________________________________________________________
Kabanata 26
Importanteng Saknong
1385-1401
Dito naguusap sina Donya Maria at Don Juan na babalik muna si Don Juan sa Berbanya at ihahanda ang buong kaharian. Hindi si Donya Maria sang-ayon sa plano ni Don Juan ngunit umalis parin si Don Juan at sinabihang huwag lalapit sa babae.
1412-1419
Dito ipinaliwanag ni Leonora na si Don Juan ang nagligtas sa kanya, hindi si Don Pedro.
1437
May ibinabalak si Donya Maria bilang higanti.
Tayutay
1405-Pagmamalabis
1408-Pagsasatao
1417-Pagmamalabis
1433-Pagwawangis
1435-Pagwawangis
Patrick Mangasing
_________________________________________________________________
Kabanata 27
Importanteng Saknong
1439
Araw na ng pagkasal nina Leonora at Don Juan.
1461
Hindi pa rin maalala ni Don Juan si Donya Maria.
1469
Dito na nagsimula ang larong pagkainam sa kasal.
1481-1482
Sinabi ni Don Juan na hindi niya kilala si Donya Maria.
1493
Sinuntok ang negrito ngunit si Don Juan ang nakaramdam nito.
1499-1502, 1510, 1514-1516
Dito sinasabi ang mga ginawa ni Donya Maria para lang kay Don Juan.
1542
Mahal pa rin talaga ni Don Juan si Leonora.
Tayutay
1443-Alusyon
1444-Pagsasatao
1445-Alusyon
1462-Pagtutulad
1463-Pagtutulad
Patrick Mangasing
_________________________________________________________________
Kabanata 28
Importanteng Saknong
1575-1579
Galit na galit si Donya Maria at babasagin niya ang prasko upang gunawin or sirain ang reyno.
1580
Naalala na ni Don Juan ang kanyang mahal na si Donya Maria.
1588-1619
Dito isinalaysay ni Donya Leonora ang lahat na pinagdaanan ni Don Juan sa ilalim ng balon katulad ng nangyari sa Serpyente at Higante.
1670-1672
Sinasabi ni Don Juan kay Donya Maria na ako’y iyo’t ikaw’y akin. Ibig sabihin nito ay tunay na mahal ni Don Juan si Maria.
1673
Dito ibinibigay ni Don Juan si Leonora kay Don Pedro.
1674
Dito nagbibigay halaga si Don Juan sa pagiging magkakapatid at hindi dapat sila magkagalit.
Tayutay
1633-Pagmamalabis
1647-Pagmamalabis
1664-Apostrophe
Patrick Mangasing
_________________________________________________________________
Kabanata 29
Tayutay + Importanteng Saknong
1700
Ang tayutay dito ay pagtutulad dahil ang kalayaan ay ibinigay ngunit kaparusahan ang dinaranas bago maging malaya. Parang tigre’t leon raw ito.
Mahalaga naman ito dahil isinisimbolo ang kalayaan ng bawat tao. Ang gapang ng hayop ay nagsisimbolo ng parusa. Pag naging tao ay ibig sabihin malaya na.
Patrick Mangasing
_________________________________________________________________